Sana may isang bula
kung saan pwede akong pumasok
Lulutang ako
at makikita ko kayo roon,
makikita kung kawalan ako sa inyo.
At kapag hindi
ay puputok na ang bula...
malapit sa iyong tenga.
Plop!
Tunog ng isang taong nawala sa iyo.
Subalit puputok ang bula
sa iyong tenga pero
gayon din palang maraming bula
sa iyong paligid
kaya hindi mo mahihinuha
alin ako sa mga iyon.
Tara at pumasok ka
sa aking bula.
Plop!
No comments:
Post a Comment